Reyes binawian ng buhay

PATAY na si dating secretary Angelo Reyes matapos isugod sa Quirino Memorial Medical Center dating Quirino Labor Hospital sa Quezon City ganap na 7.45 ng Martes ng umaga,Pebrero 8 dahil sa tama ng bala.

Galing umano si Reyes sa puntod ng kanyang ina sa Loyola Memorial Park sa Marikina.

Ayon sa huling impormasyon  nagbaril  sa sarili si Reyes matapos dumalaw sa puntod ng kanyang ina.

Alas 8.32 am ideneklara ng  doktor na nag expire na si Reyes. Isang gunshot wound sa kaliwang dibdib malapit sa puso ang tinamo ni Reyes na tumagos sa likod.

Hindi pa malaman kung anong kalibre ng baril ang ginamit ni Reyes sa pagpapakamatay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply