Reyes madalas sa Loyola Memorial Park

MADALAS pumunta sa puntod ng mga magulang sa Loyola Memorial Park sa Marikina City si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Angelo Reyes, na nagpakamatay Martes ng umaga habang binibisita ang libingan ng mga magulang.

Ayon sa isang guwardya ng sementeryo na si Noven Llamadasa, dumalas ang pagdalaw ni Reyes sa mga magulang nitong mga nagdaang araw.

Kabilang si Llamadasa, kasama ng mga anak ni Reyes, sa nagsugod sa dating heneral sa  Quirino Memorial Medical Center.

“Nakarinig po kami ng putok, tapos tumakbo na kami sa pinanggalian (ng putok) at doon nga nakita namin at nakumpirma namin na si Reyes nga po,” pagkukuwento ng gwardiya.

Samantala, sinabi naman ni Atty. Bonifacio Alentajan na wala namang senyales na magpapakamatay si Reyes. Aniya magkausap pa sila kahapon ukol sa ipadadalang sulat sa Kamara.

Dagdag pa niya, hindi rin mukhang malungkot si Reyes nang huli silang magkaharap.

“Hanggang kahapon nga ay nag-usap pa kami tungkol sa sulat na ipapadala sa Kamara. So, wala naman akong nakikitang senyales mula sa kaniya na mangyayari ito. Hindi naman siya malungkot,” ani Alentajan.  Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply