Reyes nagpakamatay matapos ang phone conversation kay GMA

SINASABING matapos makatanggap ng tawag mula kay dating Pangulo, ngayon ay Pampanga 2nd District Rep. Gloria Arroyo ay hindi na umano napakali ang dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Angelo Reyes, pagbubulgar ng isang malapit niyang kaibigan.

Ang nasabing tawag umano ni GMA ay nangyari isang araw bago ang pagpapakamatay ni Reyes sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa harap ng puntod ng kanyang ina sa Loyola Memorial Park, Marikina City, ani retired Navy Commodore Rex Robles.

Ayon pa sa navy officer, isa sa founding member ng Reform the Armed Forces Movement (RAM), matapos aniyang matanggap ni Reyes ang tawag mula kay GMA ay tumawag sa kanya ang biktima at ikinuwento ang insidente.

“As I was told parang confrontational yun tono nya… pare, tumawag si GMA – he (Reyes) sounded worried. I have the impression that it was recent,” ani Robles sa phone patched briefing sa Camp Aguinaldo.

Itinanong daw ng dating Pangulo kay Reyes kung sino sa kaklase ni Senator Antonio Trillanes IV ang nagbigay ng sulat sa tanggapan ni Senator Trillanes.

Matatandaang isang dating military budget officer ang tumestigo sa senate hearing laban kay Reyes at nagbulgar na sa panahon ng pamumuno ni Reyes sa military ay nakatatanggap sila ng malalaking halaga ng salapi kabilang na ang P50 million send-off money sa kanyang pagretiro. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply