Reyes nagpakamatay upang takasan ang ‘pabaon’ probers

POSIBLENG pinili ng nasirang dating Armed Forces chief Gen. Angelo Reyes ang magbaril sa sarili kaysa humarap sa mga imbestigador ng umano’y anomalya sa military dahil “hindi siya titigilan sa imbestigasyon dahil malakas sila at marami.”

Ito ang pahayag ni retired Commodore Rex Robles, malapit na kaibigan ni Reyes, na nagsabing ilang araw nang masama ang loob ng dating kalihim ng Department of National Defense (DND).

Hindi tinukoy ni Robles kung sinu-sino ang tinutukoy ni Reyes na iipit sa kanya sa nasabing kontrobersiya.

Ayon kay Robles, lubhang ikinasama ng loob ni Reyes ang pagkakadawit sa kanyang pangalan sa ginaganap na congressional hearings na nag-iimbestiga ng umano’y multi-milyon-pisong “payola at pabaon” system sa militar.

Dismayado umano ang yumaong heneral dahil nawala na ang focus ng imbestigasyon sa kontrobersiyal na plea bargain agreement ni dating AFP comptroller Carlos Garcia at sa halip ay siya ang naging paboritong “whipping boy” ng mga mambabatas.

Si Reyes ay ninong ng isa sa anak ni Robles, founding member ng Reform the AFP Movement (RAM).

Samantala, kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz na nagbaril sa sarili si Reyes.

Ayon kay Cruz, nakuhanan na ng PNP ng testimonya ang isang eyewitness na nakakita sa mismong pagbaril sa sarili ng biktima sa loob ng Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Ang 65-anyos na si Reyes ay idineklarang dead on arrival sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sa Quezon City, Martes ng 8:45 a.m., dahil sa “self-inflicted bullet wound” sa dibdib.

Aniya, maging ang mga anak ng dating kalihim na huling nakasama ng biktima ay nagpatotoo sa nangyari.

Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng kalibre .45 at isang librong may pamagat na “Trump: The Art of the Deal.”  see link — (http://www.findarticles.com/p/articles/mi_m1316/is_n2_v20/ai_6424697/)

Bukod sa DND, naging kalihim din si Reyes ng Department of the Interior and Local Government, Department of Environment and Natural Resources at Department of Energy sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Bago magsilbing AFP chief of staff, ginugol ni Reyes ang kanyang buhay sa Mindanao bilang sundalo.

Isa si Reyes sa Top 10 graduates ng Philippine Military Academy (PMA). Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply