Reyes nagparamdam bago nagpakamatay

“MATATAPOS na ang inyong problema, makakapagpahinga na rin kayo.”

Ito umano ang nabanggit ni dating Armed Forces chief Gen. Angelo Reyes sa isang kaibigan isang araw bago siya nagpakamatay sa harap ng puntod ng mga magulang sa Loyola Memorial Park sa Marikina City Martes ng umaga Pebrero 8.

Ang impormasyon ay mula kay retired Navy Commodore Rex Robles, isa sa pinakamalapit na kaibigan ng namayapang dating kalihim ng Department of National Defense at tatlo pang kagawaran ng pamahalaan. Si Reyes ay ninong ng isang anak ni Robles.

Tumanggi si Robles, isa sa founding member ng Reform the Armed Forces Movement (RAM), na pangalanan ang kaibigang kausap ni Reyes.

Ibinulgar din ni Robles na nakatanggap ng tawag sa telepono ang nasawing heneral mula kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ilang araw bago ito magpakamatay.
Aniya, matapos makausap si Arroyo ay tinawagan siya ni Reyes at ikinuwento sa kanya ang insidente.

“As I was told parang confrontational ‘yung tono n’ya,” ani Robles sa isang phone-patched interview.

Itinanong daw ng dating Pangulo kay Reyes kung sino sa mga kaklase ni Senator Antonio Trillanes IV ang nagbigay ng sulat sa tanggapan ng huli.

Matatandaang isang dating military budget officer ang tumestigo sa Senate hearing laban kay Reyes, na umano’y nakatatanggap ng malalaking halaga kabilang ang P50-milyon send-off money nang magretiro siya.

Tinukoy ni Robles na lubhang nag-alala si Reyes sa kahihiyang kakaharapin ng kanyang pamilya sa kamay ng kanyang mga kalaban sa Senado at Kamara de Representantes sa panahon ng pagdinig sa Kongreso ukol sa umano’y katiwalian sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Posible umanong pinili na lamang ng nasirang heneral ang magbaril sa sarili kaysa humarap sa congressional probe dahil “hindi siya titigilan sa imbestigasyon dahil malakas sila at marami.”

Hindi tinukoy ni Robles kung sino-sino ang tinutukoy ni Reyes na iipit sa kanya sa nasabing kontrobersiya.

“Determined silang yariin ako,” pagko-quote ni Robles sa sinabi ni Reyes.

Ayon kay Robles, lubhang ikinasama ng loob ni Reyes ang pagkakadawit sa kanyang pangalan sa ginaganap na congressional hearings na nag-iimbestiga ng umano’y multi-milyong-pisong “payola at pabaon system” sa militar.

Dismayado umano ang yumaong heneral dahil nabaling sa kanya ang imbestigasyon ng kontrobersiyal na plea bargain agreement ni dating AFP comptroller Carlos Garcia.

Samantala, kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz na nagbaril sa sarili si Reyes.

Ayon kay Cruz, nakuhanan na ng PNP ng testimonya ang isang eyewitness na nakakita sa mismong pagbaril sa sarili ng biktima sa loob ng Loyola Memorial Park sa Marikina City.
Ang 65-anyos na si Reyes ay idineklarang dead on arrival sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sa Quezon City, Martes ng 8: 32 a.m., dahil sa “self-inflicted bullet wound” sa dibdib.

Aniya, maging ang mga anak ng dating kalihim na huling nakasama ng biktima ay nagpatotoo sa nangyari.

Bukod sa DND, naging kalihim din si Reyes ng Department of the Interior and Local Government, Department of Environment and Natural Resources at Department of Energy sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Bago magsilbing AFP chief of staff, ginugol ni Reyes ang kanyang buhay sa Mindanao bilang sundalo.

Isa si Reyes sa Top 10 Graduates ng Philippine Military Academy (PMA).

Samantala, nakiramay naman si Sen. Antonio Trillanes IV sa pagyao ni Reyes.

‘Maybe that’s how life was meant to be for General Angelo Reyes’, sabi ni Trillanes.

MENSAHE ni Sen. Antonio Trillanes IV sa pamilya ng yumaong si dating Armed Forces chief Angelo Reyes:

“I extend condolences to the family of the late General Reyes. They need strength at these times, so we should respect their privacy.”

Ukol sa umano’y komprontasyon nila ni Reyes sa kasalukuyang pagdinig sa Senado:

“It’s unfortunate but noong panahong iyon, if you are witnesses to the hearing during the morning part of the hearing, I was willing to give due deference to him as, not only as an upperclassman, but as a former official of the government. But in the afternoon, at some point, the senator-resource person relationship was being compromised so I have to put things in their proper places.”

Kung dapat ba siyang sisihin sa pagpapakamatay ni Reyes:

“Those comments are very unfortunate. It’s not going to help the family of General Reyes in their moment of grief, so hindi ko muna papatulan ito.”

Sa tanong kung pinagsisisihan niya ang pagsasabi niyang pangangalanan niya ang mga sangkot sa anomalya sa AFP:

“No. Kasi, sabi ko nga, I’m the kind of person who learns from lessons of life… That’s just how life was meant to be for all of us.”

Kung may pananagutan ba ang Senado sa kinasapitan ni Reyes:

“Definitely not because, remember, General Reyes is a graduate of PMA. He used to be a chief of staff, so he went through all the pressures necessary to survive those chapters in his life. So we are not privy to what went on with his mind… and we will never know.”

Kung naniniwala siyang nagreresulta lamang sa “trial by publicity” ang mga pagdinig at hindi naman nakatutulong sa paglikha ng batas:

“No, I believe we’re not doing anything different. Remember, we also went through the same thing back in 2007. We were subjected to even worse trial by publicity. We faced the government propaganda and we we’re incarcerated for seven and a half after and we are still here. So, maybe, there is another mission for us to accomplish and sad to say maybe that’s how life was meant to be for General  Reyes.”

Tungkol sa palagay niya kung may kinalaman ang pagtawag ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kay Reyes:

“Maybe. That’s an angle we could pursue after we have mourned the passing of General Reyes.” – Linda Bohol, Verlin Ruiz, Jhie Convocar, Gwenn Salamida with Photo by Rudy Rabulan

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply