Reyes pararangalan ng AFP

DADALHIN sa Camp Aguinaldo ang bangkay ni dating Armed Forces chief Gen. Angelo Reyes sa takdang panahon.

Bibigyan si Reyes ng huling parangal ng AFP bilang dating sundalo at pinuno ng Armed Forces of the Philippine (AFP) at kalihim ng Department of National Defense (DND).

Nagbaril umano sa sarili ang dating miyembro ng Gabinete ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa harap ng puntod ng kanyang ina sa Loyola Memorial Park umaga ng Martes.

Si Reyes ay kabilang sa mga kasalukuyang iniimbestigahan ng Senado at Kamara de Representantes hinggil sa multi-milyon-pisong graft and corruption sa loob ng military.

Nagpalabas na ng kanilang official statement ang AFP ukol sa pagkamatay ni Reyes na binasa ni AFP spokesman Gen. Jose Mabanta.

“The whole Armed Forces is shocked and saddened by the passing of General Angelo Reyes. We condole with the immediate family as to this incident,” ayon kay Mabanta.

Ayon pa rin sa pahayag: “This is a deep blow to the ongoing investigation, and all the members of the Armed Forces and the Filipino people’s quest for the truth.”

“In the light of this incident, we hope Congress and Senate can expedite this proceeding to ensure immediate enactment of laws in furtherance of good governance measure for the whole Armed Forces,” anito.  Verlin Ruiz

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply