RH bill isasalang sa plenaryo

PINABORAN na ng House appropriations committee na matalakay sa plenaryo ang kontrobersyal na Reproductive Health Bill.

Sa naganap na botohan ng appropriations committee, Miyerkules ng umaga, Pebrero 16,  20 ang pumabor na talakayin na ang panukala sa plenaryo laban sa tatlong tumutol.

Nakatakda nang ikalendaryo ng House Rules Committee para sa plenary debate ang anim na consolidated RH bill.

Sa isang press conference, sinabi ni Minority Leader Edcel Lagman na maituturing na itong isang tagumpay.

“I hope this can be replicated in the plenary,” ayon kay Lagman na umaasang maisasabatas ang Reproductive Health bill na nagsusulong sa responsible parenthood bago mag-adjourn sa darating na Hunyo.

Tiwala rin sina Lagman at Deputy Minority Leader Danilo Suarez na magkakaroon ng korum sa sandaling simulan na ang debate sa plenaryo dahil kabilang aniya ang RH bill sa prayoridad ni House Speaker Feliciano Belmonte.

Kapag nagbotohan ay majority plus one ng korum ang kakailanganin upang tuluyan nang maipasa sa Kamara ang kontrobersyal na RH bill.

Samantala, habang isinasagawa ng Appropriations committee ang botohan Miyerkules ng umaga , sinabayan ito ng isang rally sa labas ng Batasan compound ng iba’t ibang sektor na sumusuporta sa panukala. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply