RH bill out sa LEDAC meeting

HINDI pa rin maisasama ng Malakanyang sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting ang kontrobersiyal na Responsible Parenthood bill kahit umatras na ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pakikipagdayalogo sa pamahalaan.

Ang LEDAC meeting ay nakatakdang idaos sa Pebrero 28, 2011.

Sinabi ni Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda na hindi sila apektado sa naging desisyon ni CBCP president at Tandag Bishop Nereo Odchimar na ipagpaliban ang pakikipag-dayalogo sa mga kinatawan ng Malakanyang.

Sinabi ni Atty. Lacierda na nakipagpulong sila sa RH advocates dahil iyon ang commitment nila sa ibang stakeholders.

Kasama ni Atty. Lacierda na nakipagpulong sina DSWD Secretary Dinky Soliman, Health Secretary Enrique Ona at Presidential Management Staff (PMS) head Secretary Julia Abad.

Umaasa ang Malakanyang na babalik ang CBCP sa pakikipag-dayalogo sa pamahalaan ukol sa RH bill kahit na may ipinadala nang sulat si Bishop Odchimar sa Malakanyang.

Binigyang diin ni Atty. Lacierda na nirerespeto nila ang naging desisyon ng CBCP sa bahaging iyon.

Hindi naman mahihintay pa ang Malakanyang ng paglambot ng CBCP sa usapin at kahandaan nito na muling makipagdayalogo sa kanila.

At kahit hindi na umano makiiisa ang CBCP sa pagtalakay ng RH bill bago pa isubo sa Kongreso, matutuloy naman ang paghimay dito. Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply