Rhian Ramos at Mo Twister MU lang

EXCLUSIVE dating lang sila ni DJ Mo Twister. Ito ang pag-amin ni Rhian Ramos sa aming chikahan kamakailan lamang.

Ani Rhian, napaka-weird naman kung  iba-iba ang dine-date niya. May mutual understanding  lang sila ni Mo.

Kung saan sila magde-date sa darating na Valentine’s? Wala pa raw silang plano kung saan. Marami pang pagbabago dahil napakaaga pa magplano.

Ano ang Valentine date dream ni Rhian?

Gusto niya raw sa isang beach. Maaari sa isa sa mga sikat na beaches sa Palawan dahil di pa siya nakakapunta rito. Hanggang Boracay lang daw ang napuntahan niyang beach last year.

Si Mo kaya ang dream niyang makasama?

Ngumiti lang si Rhian.

NAHIYA SA BAGONG STYLE NG PAGHALIK NI RICHARD

May kissing scene sila muli ni Richard.

Unang screen kiss ni Rhian ay si Richard via “Captain Barbell” kung saan sixteen years old lang ang aktres.

Kahit magkaibigan sila ni Richard, nahihiya raw siya sa muli niyang pakikipaghalikan dahil ‘di siya nahiya.

Nagbago raw ito ng style.

Ha-ha-ha!

Isang trilogy ang pelikula nila ni Richard at sa unang story kina Rhian at Richard na may pamagat na “Soulmate”- isang romantic/comedy/drama na dinirek ni Dominic Zapata.

Mayru’n ding eksenang naka-topless (bareback) si Rhian.

Naglagay ba ng plaster si Rhian?

“Dapat tinanggal ko! Joke lang! ha-ha-ha!”

Tinakpan ang boobs niya ng bimpo at nilagyan ng leucoplast. Kaya mukhang skimpy. Masakit daw nang tinanggal ang plaster pero kailangan ang pain for art’s sake.

PATRICK GARCIA, MAY BAGONG GIRLFRIEND

Mga pusong nagmamahal, naglahad ng tunay na damdamin kahapon!

Regine Velasquez at Dingdong Dantes, nagharap sa isang heart to heart interview.

Richard Gutierrez, pumili na kina Solenn Heusaff, Rhian Ramos at Lovi Poe ang tunay
na itinitibok ng  puso niya!

Heart Evangelista, may mga nakakahilong intrigang tungkol sa relasyon nila ni Daniel Matsunaga sa Don’t Lie To Me  Reloaded!

Patrick Garcia may bago nang  girlfriend? Ito ang kanilang inamin  sa “Showbiz Central”!

Sa Lunes (Feb. 7), 9 p.m.  ang premiere telecast na  mapapanood mo na parang pelikula. For the first time sa pagbubukas ng isang dramaserye, tuloy-tuloy with no commercial breaks  ang kaabang-abang na pilot episode  ng “Babaeng Hampaslupa”, pagkatapos ng “Willing Willie” sa TV5. Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply