Richard bumigay kay Solenn dahil sa painting

BALITANG itinakas ni Richard Gutierrez si Solenn Heussaff  noong Sunday after Party Pilipinas at kumain sila somewhere sa Makati at nakitang sweet na sweet.

Nagutom lang daw  sila at nag-lunch .May dubbing pa raw sila nu’ng araw na ‘yun para sa ‘My Valentine Girls’ na opening sa Feb 9.

“May mga Paparazzi?.. Okey naman..okey naman,” bitin niyang sagot.

Nu’ng birthday niya ay niregaluhan siya ng painting ni Solenn. Sobrang laki at hanggang ngayon ay hindi pa raw niya naisasabit. Naghahanap din daw siya ng perfect wall kung saan isasabit dahil napakalaki talaga.

“Since  that day na ibinigay niya, non stop pa rin ang trabaho namin. So, sasamahan niya akong bumili  at pumili ng frame for the painting.

“Ang galing..sobrang galing. 12 hours daw na ginawa niya,” aniya pa.

Talagang natuwa ako. It was such a sweet gesture. Alam ko naman na gagawa siya ng portrait ko dahil sinabi niya sa akin. Pero hindi ko ini-expect  na magagawa niya agad kasi alam ko sobrang busy niya tapos ang dami niyang priorities, ang dami niyang commitments pero kaya pala hindi siya naglalabas ng bahay, tinatapos niya ‘yung painting,” kuwento pa ni Richard.

“One time kasi niyaya namin siyang lumabas, sabi niya stay home na lang daw. Tapos nu’ng binigay niya sa akin ‘yung painting, ‘yun daw ‘yung araw na hindi siya lumabas,”sey pa niya.

Isa ba itong dahilan ngayon kaya  lalong napalapit si Solenn sa kanya?

Natawa siya sabay sabing: “Eversince naman,eh, we’re very close.”

Pero sa mga bagong nangyayari sa kanila ay lalo raw silang nagiging close. Sobrang na-appreciate ni Richard  na pinapaguran ng isang babae ang ibinigay sa kanya.

“Iba kasi ‘yun, e! Pinag-isipan tapos may effort, may oras na ibinigay at sarili niyang design. Iba yun ,e! kesa sa mga bagay na nabibili, di ba?”

Paano kung dumating ang time na i-request ni Solenn na   mag-pose siya ng nude para i-paint? “If I’m ready, why not?,” mabilis niyang sagot.

“Yeah. It’s okey. Actually, that is not a bad idea. Parang remembrance ng kabataan mo at magandang tingnan sa future,” saad pa ni Chard.

So, mahal  na ba niya si Solenn? Tumawa lang ang actor.

Sa apat na leading ladies niya kina Solenn, Eugene Domingo, Lovie Poe at Rhian Ramos, komportable siya  kay Rhian Ramos dahil matagal na niyang nakakasama kahit sa mga tv shows. Pero nag-enjoy raw siyang makatrabaho ang mga ito.

Sa Valentine’s Day kasama raw niya ‘yung apat.”Ako lang siguro ang lalaking may kasamang apat sa Valentine’s Day at legal na kasama ko ‘yung apat, “ tumatawa niyang pahayag.

Anyway, may mall tour sila para sa promo ng “My Valentine Girls.”

-0o0-

Sa pagpasok ng 2011, patuloy pa ring nangunguna sa national TV ratings and ABS-CBN at hindi pa rin matinag ang mas lalo pang tumitinding Primetime Bida nito base sa pinakahuling datos ng tanyag na kumpanyang Kantar Media.

Pumalo sa 40% national audience share ang primetime block ng ABS-CBN.

Panalo naman ang “Mara Clara” na nakakuha ng 29.6% rating o higit 10 puntos na mas mataas kumpara sa nakuhang 19% viewership ng kalabang programa sa unang gabi ng pagtatanghal nito.

Samantala, umangat naman ang fantaserye na “Mutya” sa unang labas nito noong Enero 31 sa rating na 32.6%,

Sa kabuuan, ABS-CBN pa rin ang wagi sa buong Pilipinas pagkatapos magtala ng pinakamataas na audience share na 36% kumpara sa 34% ng pinakamalapit na kalaban.

Ang Kantar Media/TNS ang nangungunang kumpanya pagdating sa market research sa buong mundo at naghahatid ng TV ratings measurement systems sa 32 bansa.

Nagsimulang maglabas ang Kantar Media/TNS ng national TV ratings data noong Feb 2009 at may panels na binubuo ng 1,370 representative na kabahayan na sumasakop sa urban Philippines at nag-uulat sa pitong sektor— NCR, Suburbs, North Luzon, Central Luzon, South Luzon, Visayas at Mindanao.

Lumipat ang ABS-CBN sa Kantar Media/TNS matapos magsampa ang network ng kaso laban sa AGB Nielsen Media Research sa hindi nito pagsunod sa hinihiling na imbestigasyon sa diumano’y pandaraya at pagmamanipula ng datos sa kanilang TV ratings. Nakabinbin pa rin ang kaso sa korte hanggang sa kasalukuyan. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply