Richie Garcia dummy lang, Jose Peping Cojuangco hari sa PSC

DAHIL uncle ni Presidente Noynoy Aquino, naghahari-harian umano si Philippine Olympic Committee (POC) Chair Peping Cojuangco sa Philippine Sports Commission (PSC) na siyang sangay ng gobyerno na nagbibigay ng pondo sa National Sports Associations na nasa ilalim ng POC.

Ayon sa source ng Remate Sports, tau-tauhan lang si PSC chairman Richie Garcia ni Cojuangco dahil siya  rin ang nasusunod sa pagbibigay ng pondo sa sports.

“Paano mawawala ang korapsyon sa sports kung sunud-sunuran lang si Garcia na puppet ni Cojuangco na siya ring nagpapatakbo ng PSC dahil tiyuhin siya ng Presidente ng Pilipinas,” pagsusumbong ng source.

Idinagdag ng source na hindi dapat nakikialam ang POC sa PSC dahil ito ay isang private sector na pinopondohan lang ng gobyerno at kung mismo ang POC ang nagdidikta sa PSC ay siguradong magiging talamak ang nakawan sa pondo sa sports.

“Dapat maglagay tayo ng opisyal ng PSC na may bayag at kayang lumaban sa korapsyon at hindi iyong tau-tauhan lang ng namumuno sa POC,” wika ng source.

Wala umanong malinaw na proyekto itong si Garcia upang mabawasan ang korapsyon sa sports dahil hindi ito makapagdesisyon ng pangsarili lalo pa’t lahat ng kanyang galaw ay ipinaaalam kay Cojuangco, sumbong ng source.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply