Riding-in-tandem muling sumalakay

NATANGAYAN ng P20,000 cash at kagamitan ang 36-anyos na babae nang hablutin ang kanyang bag ng mga salaring nakasakay sa motorsiklo sa Malate, Maynila kagabi, Pebrero 16.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD) Station 5 ang biktimamg si Czarina Casabuena, may-asawa, isang office staff  sa 1020 St. Jude Bldg., sa  Malvar st. Malate, Maynila.

Sa report ni SPO2 Glenzor Vallejo ng MPD-Station 5, dakong ika-7 ng gabi nang naganap ang insidente sa kanto ng Malvar at Madesto sts., Ermita, Maynila.

Kalalabas lamang ng biktima sa kanyang opisina at paliko na sa kanto ng Modesto st., nang lapitan siya ng mga suspek na magkaangkas sa isang kulay itim na XRM na motorsiklo  at hinablot ang kanyang kulay pulang bag.

Naglalaman ang bag ng dalawang cell phone na nagkakahalaga ng P17,000, Louis Vuitton na wallet na may lamang P1,500, iba pang cash na aabot sa P3,200, mga credit card at sari-saring identification card (ID). Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply