Riding in tandem nina Heidi Mendoza at George Rabusa

HINDI biro-biro ang kalagayan ng riding in tandem na sina Heidi Mendoza at George Rabusa.

Nakapusta ang buhay, kinabukasan at pamilya ng mga whistle blower na ito sa mga kasong pandarambong ng mga heneral sa militar.

Pinasok ng dalawa ang game of the generals na kung mahina-hina ang loob mo ay kailanman hindi mo gagawin. Baka pati dimonyo ay matatakot na pumasok sa palaro ng mga heneral.

Isipin mo na lang.

Wala ni sinoman sa mga ito ang dinidisarmahan at nakikita pa silang may mga bodyguard na dati o aktibong sundalo.

Kasi naman, multi-milyong piso at dolyar ang pabuya nila sa kanilang mga palaro na sila rin ang nagwawagi. May panggastos sila para sa kanilang seguridad sa anyo ng baril at bala at mga bodyguard mula sa P10 milyong pasalubong at P50 milyong pabaon makaraan nilang lisanin ang mga puwestong chief of staff at comptroller.

Iba pa ang mga sikwat nila sa mga pondo ng United Nations para sa ating mga peacekeeper na ipinadadala sa ibang bansa gaya ng Haiti, East Timor at iba pa.

Tumanggi man ang maraming heneral sa mga akusasayon sa multimilyong pasalubong, pabaon, pork barrel at sikwat sa UN, sila mismo ay nakaririnig ng mga bulung-bulungan ukol dito. Hindi nga lang nila inaalam pa kung bakit may usok at basta na lang nila dinedma ang kasabihang “kung may usok, may apoy.”

Matatapang at magagaling sina Mendoza at Rabusa ngunit hanggang kailan sila makatatagal?

Nagbitiw na sa kanyang magandang trabaho si Mendoza at bumagsak na rin ang kabuhayan ni Rabusa at kakambal nito ang pagkakaroon niya ng karamdaman.

O mga Bro, ano-ano ang mga naiisip ninyo?

Sa ngayon, kinakanlong ng pamahalaan ang dalawang bagong bayani ng ating panahon laban sa matitinding katiwalian sa mga untouchable at kinatatakutan sa gobyerno.

Bumubuhos na rin ang suporta, lalo na ang moral sa dalawa, at kasama rito ang mga panalangin na iligtas sila ng Panginoon sa kamay ng mga dragon sa kasalukuyang panahon.

Ano-ano nga, mga Bro, sa palagay ninyo ang magiging papel ninyo rito?

Kung Hei Fat Choi!

Kiong Hee Huat Tsai!

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph
Benny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply