‘Right hand’ ni Benhur Abalos inambus

INAMBUS sa lungsod ng Mandaluyong ang “chief political officer” ni Mayor Benhur Abalos nitong Biyernes ng gabi.

Napag-alaman ng remate.ph na binaril ng di pa nakilalang lalaki si Jun Torres o “JT” bandang 10:30 ng gabi sa Barangka, sa nasabing lungsod.

Ayon sa mga otoridad, dalawang tama ng bala sa ulo mula sa likod ang tinamo ng biktima.

Agad na isinugod sa Mandaluyong Medical Hospital si Torres at kalauna’y inilipat sa UST Hospital, subalit binawian ng buhay dakong ala-una ng madaling raw.

Nakaupo sa loob ng kanyang kotse ang biktima na tila may hinihintay nang paputukan ng mga salarin. Kasalukuyan na hinahanting ng pulisya ang mga namaril.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply