RnB Princess Kyla engaged na

ENGAGED na ang RnB Princess na si Kyla sa kanyang long-term bf na si Rich Alvarez.

Pormal na inihayag ni Kyla sa programang Party Pilipinas noong Linggo, Pebrero 13, ang pagiging engaged niya sa basketball player na si Rich Alvarez.

Aniya, may dalawang linggo na ang nakalilipas nang surpresang mag-propose sa kanya si Rich.

Ikinuwento niya na naiyak siya sa surprise engagement na inihanda sa kanya ng basketbolista.

Akala niya ay isang dinner date lamang ang magaganap ngunit laking gulat niya na present ang kanilang mga mahal sa buhay kasama ang kanilang mga magulang.

Bago inanunsyo ni Kyla ang kanilang engagement sa nasabing programa ay inawit niya ang kantang “Beautiful Days” na kanyang pinasikat dati at inialay ito sa kanyang mapapangasawa.
Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply