Roger Dominguez arestado

SA HINDI inaasahang pagkakataon ay nadakip ng operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang mag-counter flow tanghali ng Huwebes, Pebrero 10 sa Panay Avenue, Quezon City si Roger Dominguez.

Sa inisyal na impormasyon na ibinigay ni QCPD Director General  Benjardi Mantele, si Dominguez ay nadakip  pasado 12 ng tanghali sa kahabaan ng Timog, Panay Avenue, Quezon City.

Si Dominguez ay sakay ng Outlander (ZTF 944) nang masabat ng operatiba ng QCPD makaraang mag-counterflow.

Nagpakilala pa umanong pulis si Dominguez  nang sitahin ng kagawad ng pulisya ngunit nang  beripikahin sa Kampo Karingal sa kanilang photo gallery ay dito na nakilala na ang suspek ang wanted na isa sa Dominguez brothers.

Maliban sa carnapping case at traffic violation, nahaharap din sa kasong usuraption of authority ang suspek.

Nakapiit na sa Kampo Karingal si Dominguez.

Ang Dominguez brothers ang itinuturong pumatay sa car dealers na sina Emerson Lozano at Venson Evanglista. Alex Ching

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply