Roger Dominguez na-inquest na

NAISAILALIM na sa inquest proceedings sa Quezon City Hall of Justice si Roger Dominguez, Biyernes ng umaga, Pebrero 11.

Mula sa Camp Karingal, naging mahigpit ang seguridad ng Quezon City Police District (QCPD) sa itinuturong isa sa mga lider ng carnapping gang.

Si Dominguez ay nadakip kahapon makaraang mag-counter flow at magpakilalang pulis nang sitahin ng awtoridad.

Bukod sa kasong usurpation of authority ay inuumang na rin ang kasong murder at carnapping sa suspek.

Inaalam na rin ng awtoridad kung may kaugnayan ang grupong Dominguez carnapping syndicate sa serye ng carjacking incident na naitala sa Quezon City nitong mga nakaraang linggo.

Ayon kay Quezon City police director Chief Supt. Benjardi Mantele, patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon na posibleng makatulong sa kanilang follow-up investigation. Gwenn Salamida

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply