Roilo Golez nakiramay sa pagkamatay ni Reyes

LABIS na ikinalungkot ni Paranaque Rep. Roilo Golez ang pagkamatay ni dating secretary angelo reyes.

Sinabi ni Golez na kahit paano ay may piangsamahan din sila ni Reyes.

si golez ang isa sa nagbantang ipasusubpina si Reyes kapag hindi pa ito dumalo sa pagdinig ng House committee on justice ngayong umaga.

“I’d like to express my condolences to the family.  Alam niyo kahit paano ay meron kaming pinagsmahan ni Sec. Reyes. marami kaming mga common friends and I’m so sorry that this turn out like this. Nakakalungkot din ang ganitong pangyayari,” ayon kay golez.

Si Reyes ay nagbaril sa sarili sa tabi ng puntod ng kanyang ina sa Loyola Memorial Park, Marikina City.

Ganap na 8:32 ngayong umaga nang ideklarang patay ang dating kalihim sa Quirino Memorial Hospital. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply