Roligon 21st Anniversary sa Martes

HANDA nang makisali sa aksyon at kasiyahan ang libu -libong sabungero sa fully-airconditioned Roligon Mega Cockpit kaugnay ng “21st Anniversary 5-Cock Derby” na sisimulan sa Martes, Pebrero 8.

Nakaprograma sa Martes (Peb. 8) ang 3-cock eliminations habang sa Huwebes (Peb. 10) ang 2-cock finals. Lahat ng iiskor ng tatlong panalo sa eliminations ay hahati sa day prize na P100,000.

Itinakda lamang sa P11,000 ang entry fee habang P1.2 milyon ang premyo sa pasabong na ito ni Roligon CEO Dennis Ligon. Ang minimum bet ay P5,500.

Noong Biyernes pa natapos paglalagay ng air -conditioning units sa Roligon at kumpleto na rin ang renovation ng lahat ng facilities kagaya ng cockhouses, benches, canteen, matching area at gaffing area.

“Masusurpresa ang mga sabungero sa bagong Roligon,” pahayag ni Ligon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply