Rollback sa LPG ipapatupad sa Pebrero 8

NAGTAPYAS ng P1 kada kilo ng presyo ng kanilang produkto ang Liquefied Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA) dalawang buwan makaraan silang mangako ng pagbagsak ng halaga ng cooking gas sa lokal na
merkado.

Ayon kay Arnel Ty, kinatawan ng party-list na LPGMA sa Kongreso, magiging epektibo ang pagbaba ng presyo ng kanilang produkto ika-12:01 ng hatinggabi, Pebrero 8 bunga ng pagbaba ng contract price sa pandaigdigang pamilihan.

Nauna ng ipinangako ng kongresista noong nakaraang Disyembre na posibleng bumaba mula P3 hanggang P4 kada litro ang presyo ng LPG sa buwan ng Pebrero subalit P1 lamang o katumbas ng P11 kada tangke na tumitimbang ng 11 kilo ang kanilang ipinatupad.

Kabilang sa mga inaasahang magtatapyas ng P11 kada tangke ang Island Gas, Regasco Gas, Pinnacle Gas, Cat Gas, M-Gas, Omni Gas at Nation Gas na pawang miyembro ng LPGMA.

Dahil sa ipatutupad na rollback, inaasahang papalo sa P660 hanggang P680 ang presyo kada tangke ng mga miyembro ng LPGMA na inaasahang mas mababa kumpara sa halaga ng cooking gas ng mga dambuhalang kompanya. Johnny F.Arasga/Amor Virata

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply