Romulo lilisanin na ang puwesto sa DFA

KINUMPIRMA ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Alberto Romulo ang kanyang paglisan ngayong araw sa kaniyang posisyon at nakatakda namang pumalit si dating Philippine Ambassador to the United States Albert del Rosario.

Lilisanin ni Romulo ang kanyang posisyon sa gitna ng kaguluhan sa Middle East at diplomatic tension ng Pilipinas kontra Taiwan, kung saan nakasalalay ang kaligtasan at job security ng maraming Filipino workers.

Noon pang nakaraang linggo ay naka-indefinite leave of absence sa DFA ang kalihim habang kinukumpirma pa sa Malakanyang ang pagtalaga kay Foreign Affairs Usec. Erlinda Basilio bilang acting DFA chief.

Si Rosario ay isa sa maituturing na malapit na adviser ni Pangulong Benigno Aquino III. Nagsilbi itong Philippine ambassador to Washington sa ilalim ng administrasyon noon ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply