Rosales umalma sa ‘carnappers coddler’

NAGBANTA si Directorate for Integrated Police Operations in Northern Luzon Chief Dir. Roberto Rosales na magsasampa ng kaso laban sa mga taong nasa likod umano ng pagdawit sa kanyang pangalan sa mga kaso ng kidnapping sa bansa, Linggo, Pebreo 6.

Si Rosales na dati ring National Capital Region Police Office (NCRPO) chief ay pinangalanan ngayong “coddler” ng notoryus na Dominguez carnapping syndicate.

Sa isang panayam, itinanggi ng opisyal ang mga alegasyon laban sa kanya.

Balak naman ng police general na makipagpulong kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo para personal na ipaliwanag ang kanyang panig.

Maliban kay Rosales, pinangalanan din sa ulat si Supt. Napolen Cauyan, dating pinuno ng nabuwag na Traffic Management Group ng Philippine National Police.

Itinanggi rin ni Rosales na may kaugnayan siya sa opisyal.

“Nap Cauyan was never assigned in my command. Hindi ko rin siya kakilala noong siya pa ay kapitan, tenyente, major. He only came to me, noong ako ay nasa Manila police at nag-boluntaryo ng trabaho.”

Tahasan pang tinawag ni Rosales na “nonsense” at “irresponsible” umano ang lumabas na ulat laban sa kanya. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply