RP Bill ‘di kasama sa priority bills ng Palasyo

HINDI kasama ang Responsible Parenthood Bill sa 17 priority bills na tatalakayin sa itinakdang Legislative-Executive Development Advisory Council meeting sa Pebrero 28, 2011.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na gusto niyang makasama sa mga proposed bills ang RP bill subalit hindi na makakasama ito sa isusulong ng Malakanyang sa Kongreso.

Ikinatwiran ni Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda na may commitment sila sa mga Obispo na gagamitin ang kanilang inputs sa bubuuing panukalang batas.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi nila pinapatulan ang mga hirit ng simbahan at maaari pa namang maipakilala ngayong taon ang batas pagkatapos na ng LEDAC meeting.

Inamin naman ni Executive Secretary Paquito Ochoa na nahirapan si Pangulong Aquino na pag-aralan ang RP bill dahil napakasensitibong usapin aniya nito.

Iyon ay dahil sa seryoso ang Pangulong Aquino sa usaping ito at wala siyang balak na atrasan ang pagsusulong nito sa Kongreso. Kris Jose

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply