RP sports lulubog kay Cojuangco

NANINIWALA ang mga kritiko na lulubog ang Philippine sports dahil sa paghahari-harian ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco Jr.

Ayon sa mga ito, maaaring nasa mabuting kamay nga ang industriya sapagkat si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, III ang namumuno sa bansa subalit namemeligro naman umano ito dulot ng sobra-sobrang kapangyarihan ni Cojuangco sa pagpapatakbo ng local sports.

Binanggit nila na kung iisa lang ang hahawak sa palakasan ng bansa ay maaaring humina ang pundasyon nito.

“Parang siya na ang nasa kapangyarihan, parang siya ang hari sa sports. Kahit ‘di siya ang nakaupo sa ibang ahensya ay naririnig pa rin ang boses niya,” wika ng isang source.

“Di magandang senyales ito, lahat na yata ng mga bagong sports leaders ay si Peping ang nagrekomenda.”

Binigyang diin pa ng mga kritiko na nagiging dummy na lamang ang ibang opisyal dahil parang kinakasangkapan lamang sila ni Cojuangco na siya namang pinuno ngayon ng POC.

“I believe that sports will not be in good hands with the country’s POC leader,” giit ng isang kritiko sa panayam ng Remate Sports na tumutukoy kay Peping. “He (Cojuangco) doesn’t understand the real sports and the heart of our athletes are not given high priority.”

Dagdag pa nito, walang progreso ang sports ng bansa sa kamay ni Cojuangco at sa paniniwala niya’y wala umanong pinagkaiba ito kay dating Philippine Sports Commission (PSC) PSC chairman Harry Angping na nasangkot sa iba’t ibang anomalya sa ahensya.

Ang dapat umanong gawin ni PNoy, ayon sa mga kritiko, ay bawasan ang kapangyarihan ni Cojuangco at maglagay ng ibang taong mahal ng mga atleta at tunay na minamahal ang sports. Gilbert Perdez

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply