Rufa Mae mahal pa rin ang ex-dyowang misteryoso

INAMIN ng komedyanang TV host na si Rufa Mae Quinto na walang third party involved sa hiwalayan nila ng kanyang misteryosong boyfriend kaya hindi matutuloy ang ang kasal nito.

Ani Rufa Mae sa “Showbiz Central”,  may mga bagay na hindi para sa kanya ang tinatawag na kasal. Plantsado na sana ang lahat, tulad ng petsa at kung saan ito idaraos.

Aniya, hindi naman siya nagmamakaawa. Naniniwala siya na there’s still hope pa.

Inamin din ng sexy comedienne, na hindi niya ibinalik ang singsing na ibinigay ng ex-dyowa.

“I’m now single again and happy!” depensa ng komedyana at nakapag-move on na siya. Mas priority nito ang career ngayon keysa lovelife. Tulad ngayon kasama siya sa  “Dwarfina” bukod sa “Showbiz Central”.

“Maraming magagandang nangyari. Wala dapat sisisihin. Ito siguro ang destiny ko!” Lahat ng  ex-boyfriend niya ay nag-aasawa na at ilang kasabayan niya’y may pamilya na.

“Wala naman sa edad ang pag-aasawa. Hindi naman ako naiinggit. Hindi naman kasi pare-pareho ang istorya ng buhay ng isang tao.”

Inamin din ng aktres na they’re still communicating.

“Mahal ko pa rin siya!” ang emote ni Rufa Mae.

***********

Ngayong Sabado sa “Midnight DJ”, isang mental patient  si Joseph . Tuwing  natutulog, nananaginip si Joseph  at sa kanyang panaginap mayru’ng namamatay na mental patient sa totoong buhay. To investigate the hospital, the “Midnight DJ” decides to send Bodjie (Joaqui Tupas) … as a patient.

Regular characters dito sina Oyo Sotto, Desiree del Valle, Meg Imperial, John Medina at Gilbert Telis.

Panauhin ngayong  linggo sina Sid Lucero  (bilang Joseph.

A young man who is a patient in a mental hospital. It seems like magaling siyang magtago at hindi mapansin ng mga tao sa paligid niya at  Gladys Reyes bilang Aida. A young doctor, the director of a mental hospital. Mysterious and beautiful. It will be revealed na siya ang asawa ni Joseph.  Napapanood ang “Midnight DJ” tuwing Sabado pagkatapos ng “Talentadong Pinoy” sa TV5. Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply