Ryan Agoncillo aalis na sa ‘Talentadong Pinoy?’

KINUMPIRMA ni Judy Ann Santos kay Ryan Agoncillo na magiging isa sa talent scouts sa darating na Battle of Champions ng “Talentadong Pinoy” kung saan host ang huli.

Ito ang kauna-unahang  public appearance ng aktres sa Philippine TV.

Maglaban-laban ang Hall of Famers at isang  wildcard grand finalist ang magpapasiklaban sa “Talentadong Pinoy” stage para sa kinaaabangang “Talentadong Pinoy Battle of the Champions” sa darating na Marso 12 at 13 sa Ynares Center, Antipolo City. Ipapalabas  ng live sa regular na timeslot ng “Talentadong Pinoy” pagkatapos ng “L. O. L.” (Sabado) at “Magic Gimik” (Linggo) sa nag-iisang Happy Network, TV5.

Bukod sa labanan ng Hall of Famers, magpatalbugan din ang mga celebrity champions na sina Rosanna Roces, Valeen Montenegro,  Pretty Trizia at Regine Tolentino.

Speaking of Juday, ito ang kauna-unahang  public appearance ng aktres sa Philippine TV.

Ani Ryan, may existing contract pa si Juday sa ABS-CBN. At ang susunod nitong proyekto ay isang bagong cooking show.

Maliban sa “Talentadong Pinoy” , ang susunod na gagawin ni Ryan sa Kapatid network ay isang daily game show.

Nagsasawa na bang mag-host ng “Talentadong Pinoy”?

Kahit kailan hindi nagsasawa si Ryan Agoncillo mag-host nito. May promise raw  ang management kay Ryan at tinupad naman na isa franchise show.

PANG-INTERNATIONAL NA ANG “TALENTADONG PINOY”

Ibinalita rin ni Ryan na right after the finals, mayru’n silang  Asia’s search tulad ng Hongkong at Singapore and soon Europe at  US of A.

Bukod sa P1M mapanalunan… TATANGHALING ULTIMATE TALENTADO IPAPADALA SA WCOPA

Samantala,  kamakailan, ang naturang number one talent show sa Philippine TV ay naparangalan ng UST kamakailan. Pumalo ito ng 48.3% audience share sa kauna-unahang Battle of the Champions n’ung Marso 2010.

Mas kapana-panabik na Battle of the Champions ngayong taon dahil sa pinakabago nitong set ng Hall of Famers at isang wildcard grand finalist na maglalaban sa nag-iisang titulo  bilang Philippines’ Ultimate Talentado 2011 at tumataginting na isang milyong piso. Ang tatanghaling Ultimate Talentado ay magiging isa sa mga representatives ng bansa sa World Championship of Performing Arts (WCOPA).Ang walong mahuhusay na Hall of Famers na maglalaban-laban ay sina Joseph the Artist, Beatbox Gor, The Believers, New Born Divas, Sfazhiva, Zion Show, Fire Attraction and RR Friends. Isang wild card contestant ang pipiliin sa Marso 6 upang makipagtagisan sa Hall of Famers. Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply