Sa bagong katapat ng EB: ‘BAKIT, MERON BA?’— Joey de Leon

KAPAG si Joey de Leon na ang kausap mo, expect a mouthful. Without even trying to be controversial, nakakaintriga ang lahat ng quotes na lumalabas sa kanyang bibig. Kaya nga mistula siyang reporter’s delight.

Sa presscon ng bago niyang show na Pinoy Samurai na nag-premiere kahapon sa bagong Sunday noontime block ng TV5 ay tinanong kaagad siya ng press people kung ano ang reaksyon niya sa pag-promote ni Willie Revillame sa Eat Bulaga sa show nitong Willing-Willie.

“Okey lang. Although alam naman natin kung bakit niya ginawa ‘yun kasi inis siya sa mga kaibigan niyang sina Randy at John na tinanggap ýung noontime show sa Dos nang hindi man lang siya nasabihan. Wala nang isyu sa amin ni Willie dahil Magkapatid na nga kami dito sa TV5. Kahit imbitahan pa niyang akong mag-guest sa Willing-Willie, okey lang. Kaso ang problema ko lang e ‘yung sked ko. Masyado kasing hectic kasi ang dami kong shows,”pahayag ni Joey.

Ano naman ang masasabi niya sa bagong katapat ng Eat Bulaga?

“Teka meron ba kaming katapat? Ah, ýung Happy Yipee Yehey ? Okey lang kasi sanay na ang Eat Bulaga na tinatapatan. Ilang shows na ba ang pinantapat sa EB pero nandiyan pa rin kami. Thirty-two years na ngang nasa era ang EB. Wala namang problema sa amin nina Randy at John. ‘Yung iba ngang hosts nila ay galing sa amin (referring to Toni and Mariel na dating taga-GMA)”pahiwatig ni Joey.

SEX BOMB RARAKET DAW, YUN PALA SA KATAPAT

May isa na namang controversy ang pumutok sa Eat Bulaga lately, ang pagkakaalis ng Sexbomb dancers sa show. Ano ba ang nangyari?

“Ang pagkakaalam ko, nagpaalam si Joy Cancio kay Malou na raraket muna ang Sexbomb. Pumayag naman si Malou, pero ang hindi niya alam sa katapat na show pala raraket ang Sexbomb,” kwento ni Joey.

ANNE CURTIS, HAPPY KAY ERWANN

Nananatili ngang isa sa much in demand stars si Anne Curtis sa showbiz at ang dami niyang projects. Isa na dito ang pelikula niyang Who’s That Girl with Luis Manzano and Eugene Domingo.

“Naku, abangan niyo ang butt exposure ni Luis sa movie namin. Tatlong beses siyang magpapakita ng puwet niya hahaha! And I love Tita Uge. Nagkasama na kami noon sa Cute Ng Ina Mo at Kampanerang Kuba. At never siyang nang-upstaged! Our movie is very funny kaya matutuwa lahat ng makakapanood nito. It’s the post Valentine offering of Viva Films,”paanyaya ni Anne.

Mukhang masayang-masaya si Anne ngayon sa kanyang lovelife. Masasabi ba niyang ang present boyfriend niyang si Erwann Heussaff ang THE ONE na for her?

“I cannot deny that I’m very happy right now with Erwann, I want this happiness to last forever. Pero ayoko namang magsabi na he’s really the one na for me. Kasi nga nasaktan na ako nang husto dati sa past boyfriends ko na inayakan ko pa nang husto. So ayoko nang mag-expect. Ayoko na kasing ma-hurt ulit kaya I keep an open mind.

“Basta so far Erwann has been a perfect boyfriend to me. ‘Yung natanggap kong gift sa kanya is the best gift na natanggap ko ngayong birthday ko. No it’s not a ring. Basta sa akin na lang ‘yun.  Sana nga wala nang negative vibes na darating sa amin,”panalangin ni Anne. Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply