Sa halip na makiusap ay tinatakot pa tayo!!

TULOY pa rin na ipinagkakalat nitong si Arturo Landicho, may-ari ng Doble 88 Towing Service, na malakas daw siya kay Laguna Gov. ER Estregan at sa hepe ng Laguna Traffic Management na si Calaje Rabago kaya tuloy ang pag-ooperate ng kanyang towing services sa Calamba City.

Katunayan, kahit alam na ng lahat na wala siyang  business permit at kaukulang dokumento mula sa kapitolyo ng Laguna, tuloy pa rin ang pangongotong ng mga bata niya. Ang nakapagtataka pa rito, hindi rin daw kumikilos ang provincial commander na si Supt. Gilbert Cruz dahil ipinagmamalaki ni Landicho na siya raw ang nagpapuwesto sa kanya rito.

Bukod pa rito, ipinagmamalaki rin ng tarantadong  ito na malakas din siya kay San Pablo Mayor Amante. Ibang klase ang mamang ito.  Sa  halip na makiusap  siya sa akin  para maibigay naman niya ang kanyang “side” ay tinatakot pa tayo ng gagong ito na kapag di ko raw tinigilan ang ginagawa kong pagbubulgar sa mga katarantaduhan niya ay malilintikan daw ako! Ang akala siguro ng mamang ito na manginginig ako sa takot sa kanya. Hehehehe…

Basahin natin ang text message ng mamang  ito sa inyong lingkod.

“Putang ina mo, Magalona! Bakit mo ako pina-newspaper? Hindi mo ba alam na bata ako ni Gov. ER Estregan. Baka kung ano ang mangyari sa iyo at puntahan kita sa Maynila. Gago ka, tarantado! Hindi mo ako kilala, bakit mo ako tinira sa column mo, gago ka. Gago tarantado. Malakas ang koneksyon ko. Kasosyo ko si Mayor Amante ng San Pablo. Tapos ka na, gago!”

Bookies ng STL sa Nasugbo

Patuloy pa rin ang operation ng bookies ng STL ni Kon. Mildred sa Nasugbu, Batangas. Nakatunganga lang sina COP Supt. Antonio Malabanan at Mayor Antonio Barcelon.-Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply