Sa paglabag sa election code, Recom swak sa kulungan

GUILTY ang inisyal na inilabas na hatol ng Commission on Elections laban kay Caloocan City Mayor Enrico ‘Recom’ Echiverri kaugnay sa kasong paglabag sa election code kaugnay ng May 2007 elections.

Batay sa inilabas na resolusyon ng komisyon, tahasang nilabag ni Echiverri ang batas partikular na ang paggamit ng tamang sukat ng campaign material and paraphernalia tulad ng campaign poster na ginamit nito noong panahon ng kampanya at ikinabit ang mga ito sa mga ipinagbabawal na lugar at hindi sa common poster areas na tinukoy ng Comelec.

Nilinaw ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na maaari pang maghain ng motion for reconsideration si Echiverri.

Nabatid na anim na commissioners ang pumabor sa nasabing resolusyon maliban lang kay Chairman Brillantes.

Sinabi ni Brillantes na ito’y dahil siya ang tumayong abogado noon ng petitioner ng nasabing usapin na si dating Mayor Macario ‘Boy’ Asistio.

Ang nasabing paglabag ay may katapat umanong pagkakakulong ng anim na taon at diskwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa public office. Merly Iral/Jun Samson

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply