Sa pagtatapos ng teleserye, Cristine Reyes takot matengga

NATAPOS na ang sariling teleserye ni Cristine Reyes sa ABS-CBN-2 na “Kristine” noong Biyernes, Pebrero 11..

Nalulungkot ang sexy actress pati mga nakasama niya sa naturang teleserye at naiyak sa nalalapit na pamamaalam ng nasabing teleserye.

Ang pagwawakas ng Kristine ay tunay na lungkot para sa parte ni Cristine. Lungkot in a sense na may mga tanong sa kanyang sarili na kung magkakaroon pa ba siyang muli ng project.

Lubos ang pangamba ni Cristine na baka raw ngayong tapos na ang kanyang Kristine ay mawalan na siya ng project sa dami nga raw ng mga talents ng Dos na uhaw sa karaketan.

Kaya noong papalapit ang pagtatapos ng Kristine ay mas lalo daw nakakaramdam ng kalungkutan itong sis ni Ara Mina.

Ipinagdadasal daw naman ng kampo ni Cristine na magkaroon agad ng project ang seksing-seksing aktres ngayong tapos na nga ang sariling teleserye dahil nandoon daw ang feeling at takot na baka matengga siya after ng Kristine. ‘Yun na!

****

Sarah Geronimo kahit alukin ng mataas na TF sa ibang istasyon, hindi aalis ng Dos

WALA naman daw katotohanan ang paglipat ni Sarah Geronimo sa kabilang network kahit pa may mga pahaging na alok sa kanya.

Kuntento at wala naman daw problema sa Kapamilya network na maituturing na home studio ni Sarah.

Sa dami nga raw ng kanyang project sa Dos ay malabo daw na lumipat ito sa ibang himpilan at ramdam na ramdam naman daw ni Sarah ang pagkalinga at pagmamahal ng Kapamilya sa pananatili niya dito ng mahabang panahon.

Masyado lang daw pinapalaki ang isyu at iniintriga si Sarah ng kanyang mga detractors na lilipat na ito at nagpa-plano daw itong magpataas ng TF na hindi napagbigyan ng executives ng Dos.

Mariing pinabulaanan din ng kampo ni Sarah na wala daw pagtaas ng TF siyang hinihiling sa Dos at walang lipatan.

Masaya na siya sa poder ng Kapamilya at naipakita sa kanya ang tunay na pag-aaruga ng isang tunay na pamilya.

Kaya malabo daw ang haka-haka na siya ay lilipat at tatalon sa kabilang himpilan. Matagal na daw ang paglipat-lipat isyu na pilit pa ring ibinabato sa kanya ng kanyang mga detractors (Vaket? Inalok ba siya talaga? Hmmmp!—Ed). Jovi Lloza

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply