Sa panlalait sa kanyang billboard: Sharon kay Hayden ‘Ang kapal ng mukha n’ya’

MAY isyu hinggil sa controversial billboard ng Megastar na si Sharon Cuneta para sa ini-endorse niyang Marie France.
Nauna nang naiulat ang tungkol sa diumano’y pag-pull out ng nasabing billboard ni Sharon.

May mga komento kasi na hindi bago ang pictorial at hindi ayon sa slimming program ng Marie France, na akma sa pangangailang pisikal ng Megastar.

Agad naman itong binigyang-linaw ni Sharon sa inaguration ng Fanny Serrano salon sa Scout Madrinan sa Quezon City.

Si Sharon ang naimbitahan kasi along with her husband Senator Kiko Pangilinan, na mag-cut sa ceremonial ribbon.

“It’s true! Hindi daya ‘yan! What came out in the billboards were from the same pictorial,” sabi ni Sharon, obviously peeved by recent turnout of events hinggil sa kanyang pagiging endorser.

“Nasa taping ako, at nagulat ako. Somebody texted me, ‘there’s…’ ganyan. ‘What? Oh, my God!’

“Sabi raw, mas parang totoo yung isang billboard kesa dun sa naka-blue (where Sharon is in a slimmer figure). E, isang pictorial lang ‘yon. Lahat yun isang pictorial. Isang araw lang lahat ang costume na ‘yon. Meron pa ngang lalabas.

“The thing is, Marie France disputed it.”

May nakakagulat ding kasunod na pahayag si Sharon matapos ang litanya niya ng mga paliwanag hinggil sa kanyang billboard.

Kahit hindi pa man kumpirmado, may nakapagsabi umano kay Sharon regarding sa isang negatibong reaksiyon sa kanyang Marie France billboard na nanggaling sa tweet ng kontrobersiyal ding si Hayden Kho, Jr., boyfriend ni Dra. Vicki Belo.

Sabi ni Sharon, “Kanina ko lang narinig. Tweet daw niya [Hayden], e. Sa Twitter daw. Kung totoo yun, ang kapal ng mukha niya!”

Sa tweet daw kasi si Hayden nakasulat ang “There’s a billboard ad in Edsa developed by advertisers who think consumers are stupid. Guess.”

Kahit hindi tinukoy ni Hayden ang sinasabi niyang billboard, marami naman ang nag-conclude na iyon ay ang Marie France, kakumpitensiya ng Belo Medical Group, na pag-aari ni Dra. Belo.

“Ako, it’s my opinion,” pasintabi ni Sharon, “mas stupid namang isipin mo na gagawin yung billboard na yun, starring yours truly, tapos makikita mo ako sa Star Power na ‘ang laki pala!’

“Hindi naman gano’n, di ba? Sabi ko, ni-launch ko [ang endorsement], live in person, yun ang background ko—sa stage.

“Tapos, mambabastos siya ? As far as I’m concerned, stupid people shouldn’t comment on what is stupid or not!

“You know, you want to start a war with me? You? Fix all your problems first!” matapang na pahayag ni Sharon.

Samantala, pinabulaanan naman ni Hayden na ang billboard ni Sharon ang tinutukoy niya sa kanyang tweet.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, ipinost ni Hayden ang kanyang reaksiyon sa mga pahayag ni Sharon:

“Wow! i wasn’t referring to the MF billboard. I was referring to a “L**D” that’s supposed to be a LOURDES. Dahan dahan naman po.”

Kasunod nito ang isa pa niyang tweet:

“That was quite a wounding tirade from someone i respect. Ironic, really. Very ironic.”

Sa panayam kay Jojie Dingcong, ang manager ni Dra. Vicki Belo, pinabulaanan nitong si Sharon ang pinatatamaan ng tweet.

“It’s not about Mega,” ang mariin nitong sinabi. Ito raw ay reaction ni Hayden sa isang comment tungkol sa pag-launch nito ng fragrance line. Isang competitor daw ang nagsabing, “Bago ka mag-launch ng perfume mo, pabanguhin mo muna image mo.”  Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply