Sa Tsina, bitay kang bata ka! Sa Pinas?

NAHAHATI ang kaisipan ng lahi ni Juan ukol sa mga nakatakdang bitaying Filipino sa bansang Tsina dahil sa bawal na droga.

Istayl Leo Echegaray na binitay sa pangrereyp sa sariling anak ang gagawin sa kanila.

Bibitayin sila sa pamamagitan ng lethal injection o pag-iiniksyon ng matinding lason sa kanilang katawan.

Sa pag-uusig ng mga hukuman sa Tsina, napatunayan sina Sally Ordinario-Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain na nagpasok ng heroin o bawal na droga roon ng mahigit tig-apat na kilo.

Sa 50 gramo lang, bitay na ang katapat nito sa ka-Intsikan.

oOo

Ngayon ay nagkukumahog sina PNoy sa paghiling kina kumrad Mao ng pagbaba ng parusa sa kanila mula sa bitay sa habambuhay na pagkabilanggo.

Itong si Sally ang ispesyal dahil sinamantala umano ng recruiter ang kainosentihan nito.

Binigyan siya ng kanyang rekruter ng bag na kanyang ginamit papuntang Tsina.

At nagulat na lang umano ito nang damputin siya ng mga parak sa Tsina sa pagdadala ng heroin.

oOo

May pumapabor sa pagpaparusa, kahit bitay pa, sa tatlo habang mayroon namang naaawa sa kanila.

Op kors, yung nagmamalasakit sa kanila ay umaayon sa misyon nina Vice President Jojo Binay na pumunta sa Tsina at saklolohan sina Sally.

Kayo, Suki, ano ang masasabi ninyo, huh?

oOo
Para sa atin, bilib tayo sa lakad ng hustisya nila.

Sa loob lang ng dalawang taon, natapos nila ang kaso mula sa mababang korte hanggang sa Korte Suprema.

At kung sinabi nilang bibitayin ka, mabibitay ka talaga.

Bibihira ang nakalulusot, nakatatakas at nakapagpapadulas sa opisyal.-Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply