Sabay-sabay na paglilinis sa pamahalaan kailangan

NAGKAKAGULO na nga sa militar dahil sa korapsyon, tila nagkakagulo rin sa hanay ng kapulisan dahil sa sinasabing pagkakasangkot ng     ilang matataas na opisyal sa mga gawain ng mga sindikato, kabilang na ang kriminal sa carjacking, droga at iba pa.

Hindi naman pahuhuli at humahabol din ang korapsyon sa Bureau of Immigration at pagiging inutil ng Commission on Audit sa kamay ng mga makapangyarihan.

oOo

Pero itong problema sa korapsyon sa BI at kainutilan ng COA ang ating bibigyan ng pansin.

Alam ba ninyong may natira palang P2.5 milyon sa kaha ng BI nang iwan ito ni BI chief Marcelo Libanan?

May alingasngas ngayon na nilantakan umano ng mga pumalit ang nasabing halaga.

Dinibayd-dibayd, sabi nila.

Dapat na bigyan ng pansin ng mga kinauukulan ito, lalo na sa parte ni Pangulong Noynoy. Kung totoo ito, tiyak namang maliligaw ang matuwid na landas ng boss ng mamamayan.

Kailangang isawsaw ni PNoy ang kamay nito sa isyu at alamin ang katotohanan dito. Kung totoo, dapat na ideport ang mga may gawa ng kagaguhan diyan.

Pero sana, hindi ito totoo.

oOo

Dahil sa pagbubulgar ni Heidi Mendoza sa pagbitiw sa kanya sa ere sa imbestigasyong isinagawa niya sa katiwalian sa militar, sinubukan nating mag-interview sa ibang mga COA auditor.

Naku, mga Bro, nakatatakot pala ang nagaganap sa mga nasa baba.

Ang mga auditor pala sa mga lalawigan, munisipyo at barangay ay nakararanas din ng laglagan.

Kapag nakasasagasa ang mga ito ng mga tarantadong kapitan ng barangay, mayor, kongresman at gobernador, basta na lang sila iniiwanan din sa ere.

Bahala na silang magtanggol sa kanilang mga sarili sa harapan ng baril at kapangyarihan ng mga lokal na opisyal.

Lahat pala sa baba ay nakararanas ng laglagan.

Paano ngayon maitutuwid ng pamahalaan ang landas na liko-liko kung nilalaglag ng mga matataas sa COA ang kanilang mga tauhan sa mga bayan at lalawigan na malalayo sa Metro Manila?

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.phBenny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply