Salpukang Pacquiao at Mayweather, lumilinaw na!

MALINAW pa sa sikat ng araw na tuloy na ang inaabatang salpukan sa pagitan nina former pound for pound King Floyd Mayweather Jr. at 8 division world champion Manny “Pacman” Pacquiao.

Ito’y matapos maispatan na magkasama sina Top Rank Promotions President Bob Arum at  Mayweather sa Super Bowl party Dallas Texas.

Ayon sa insider, magkasama ang dalawa dahil inaayos na ni Arum ang kontrata para sa susunod na laban ni Pacman.

May nagbulong sa Remate Sports na halos “done deal” na ang salpukan sa pagitan nina Pacman at Mayweather at ang tanging hiling na lang ng kano ay tulungan siya ni Arum na ayusin ang mga kinasasangkutan niyang kaso at kasama rito ang demanda ng Pambansang Kamao.

“Lumambot na si Mayweather dahil ipit na ipit na siya sa iba’t ibang kaso na maaring magresulta sa kanyang pagkakakulong ng higit sa 20 taon,” wika ng insider.

Inamin ng insider, na malaki na ang posibilidad na matuloy na ang itinuturing na pinakamalaking laban sa kasaysayan ng boksing dahil sa nagiging takbo ng pagkakataon.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply