Saludar tagilid kay Veerapol

NAGBABALA si Leimpetch Sor Veerapol ng Thailand na dudurugin niya si Froilan “The Sniper” Saludar sa February 19 sa Imus, Cavite para sa WBO Youth flyweight world title.

Ayon sa handler ni Veerapol na si Michael Do, giyera ang sadya ng kanyang alaga sa pagpunta nila sa Pilipinas.

Matatandaan na si Veerapol ay naging biktima na ng mga Pinoy pugs na sina Johnreil Casimero, Brian Vilotis at Marvin Sonsona.

Ayon sa kampo ng Thai pug, hindi nila masyadong napaghandaan ang dalawa subalit si Saludar ay tinutukan nila nang mabuti upang maiuwi nila ang korona sa Thailand.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply