Sama ng panahon nagbabanta– Pagasa

ISANG namumuong sama ng panahon ang namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) makaraang malusaw ang shallow low pressure area (SLPA).

Batay sa Pagasa bulletin, namataan ang naturang weather disturbance formation base sa satellite at surface data na may layong 1,000 kilometro sa timog silangan ng Davao City.

Malaki ang posibilidad na lumakas ang naturang sama ng panahon habang papalapit sa bansa.

Maglalaro ang temperatura sa bansa sa pagitan ng 20-32 degree Celsius. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply