Sama ng panahon namataan sa Zamboanga

NAMATAAN ang isang sama ng panahon (Low Pressure Area) sa lalawigan ng Zamboanga kaninang umaga iniulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa ang low pressure area (LPA) ay namataan dakong 10:00 ng umaga sa layong 120 kilometro ng Silangan ng Zamboanga.

Sinabi ng Pagasa na ang sama ng panahon ay magbibigay ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Katimugang Luzon,Visaya at Hilagang Mindanao na maaaring magdala ng flashfloods  at landslides.

Pinaalalahanan din ng weather bureau ang mga residente na naninirahan sa malapit sa ilog at bundok na magsagawa ng ibayong pag-iingat. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply