Samar, Rizal police nagsanib puwersa sa Cainta massacre

MAGSASANIB-PUWERSA ang Rizal Provincial Police at PNP Northern Samar upang agad maaresto ang pangunahing suspek sa Cainta, Rizal massacre.

Nabatid kay Supt. Emmanuel Bautista, chief of police ng Cainta, Rizal, bineberipika nila ang balitang may dati nang rekord si Fortunato ‘Jun-jun’ Asibar sa Lao-ang, Northern Samar na umano’y pumatay ng kaniyang asawa at nagtago lamang sa Rizal.

Nagpakalat na rin ng mga pulis sa dalawang bus station sa Pasay at Cubao kung saan maaaring sumakay ang suspek patungong Samar.

Samantala, naglaan naman ang Cainta PNP ng P100,000 pabuya para sa ikadarip ng suspek na pumatay sa apat katao sa isang pamilya sa naturang lugar. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply