Sanggol lumutang-lutang sa ilog sa Caloocan City

ISANG bangkay ng sanggol ang natagpuang lumulutang sa isang ilog sa Caloocan City Linggo, Pebreo 13.

Ayon sa ulat ng Caloocan City police office, ala-singko ng hapon nang mapansin ng mga residente ng ng Barangay 175 ang bangkay na lumulutang sa ilog.

Noong una, inakala ng mga residente na isa lamang itong laruan sapagkat nakatuwad ito at likod lamang ang maaaring makita.

Laking gulat nila nang sungkitin ito at makitang bangkay pala ito ng isang tunay na sanggol.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na lalaki ang kasarian ng patay na sanggol at tinatayang nasa pagitan ito ng walo hanggang siyam na buwang gulang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply