Sanggol na isinabit sa puno nailigtas

NAILIGTAS sa panganib ang sanggol na babaeng tinatayang nasa mahigit sampung araw na gulang pa lang makaraang isinabit sa isang puno malapit sa ilog sa Pagbilao, Quezon noong Martes, Pebrero 22.

Ayon kay Barangay Kagawad Elmer Reyes ng Barangay Pinagbayanan, naglalakad umano ang ilang residente sa naturang lugar nang marinig ang malakas na iyak ng isang sanggol malapit sa ilog.

Nagtulong-tulong umano ang mga nakarinig ng iyak sa paghahanap ng pinanggalingan nito.

Matapos ang ilang minutong paghahanap ay nakitang gumagalaw ang tila na nakapulupot sa isang puno.

Laking gimbal umano nila nang madiskubreng doon nakalagay ang sanggol na halos mangitim na sa kaiiyak.

Agad namang pinagtulungang kunin ng mga residente ang sanggol, na agad dinala sa Jane Country Hospital kaya nailigtas sa tiyak na kapahamakan.  Gaynor Bonilla

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply