Santambak na NSAs lulusawin

PINAG-AARALAN na umano ng mga sports officials sa bansa ang pagbuwag sa sangkaterbang national sports associations (NSA).

Ayon sa isang source mula sa Philippine Sports Commission (PSC), nabibigatan na ang ahensya sa gastusin kaya posible umanong imungkahi nitong buwagin na lamang ang ibang asosasyon.

Pahayag ng source, dinuduplika na lamang ng ilang grupo ang trabaho ng ibang samahan dahilan upang mahirapan ang PSC sa pagluluwal ng pondo para sa mga ito.

Nabatid na ilan umano sa mga kinukuwestiyon ay ang Powerlifting Association of the Philippines (PAP) at Philippine Weightlifting Association (PWA) na maaaring pagsamahin na lamang.

“Nahihirapan na ang PSC, ang daming humihingi ng pondo. Hindi na kaya ng ahensya ang magluwal para sa lahat,” wika ng source.

“Iilan lang naman ang nabibigyan at laging kapos pa rin. Nagrereklamo pa rin ang mga atleta dahil kapos na kapos talaga.”

Balak na rin umanong sibakin ang Philippine Rugby Football Union (PRFU) dahil natatakpan na ito ng Philippine Football Federation (PFF). Gilbert Perdez

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply