Sapatero nabaril sa mukha nang nanlaban sa carnappers

BINUTASAN sa mukha ang isang sapatero matapos makipaglaban at mabaril ng dalawang carnapper sa Navotas City nitong Lunes, Pebrero 28.

Malubha sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Richard “Dodong” Morate, 31, shoemaker sa Agora Market at residente ng Champaca st. ng nasabing lungsod.

Alas-dos ng hapon nang maganap ang insidente sa Malara Bridge sa kahabaan ng Honorio Lopez st., Barangay NBBS, Navotas City.

Sakay ng kanyang motorsiklong Suzuki (TN-8448) ang biktima at binabagtas ang nasabing kalsada nang harangin ng mga salarin na lulan ng isa pang motorsiklo.

Isa sa mga suspek ang bumaba at tinutukan ng baril ang biktima bago pilit na inagaw ang dala nitong motorsiklo.

Nanlaban ang biktima kaya’t binaril siya sa mukha ng isa sa mga salarin.

Hindi rin nakuha ng mga salarin ang motorsiklo ng biktima. Merly Iral

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply