Sarah on Rayver: Winasak mo ako!

INAMIN ng Pop Star Princess Sarah Geronimo labis-labis siyang nasaktan nang maghiwalay sila ni Rayver Cruz, na napabalitang naging dyowa niya.

Matatandaang na-link ang dalawa noong 2010 ngunit kanila itong pinabuluanan at kapwa naging tahimik sa mga namumuong tensyon noong kasagsagan ng isyu.

Sa programang  “Showbiz News Ngayon” (SNN), inilabas nila na ang isang report ng Yes Magazine kaugnay ng love triangle sa pagitan nina Sarah, Rayver at Cristine Reyes.

Sa naturang report, inamin ni Sarah na nagkaroon sila ni Rayver ng relasyon ngunit hindi ito nagtagal dahil nahuli umano ng kaibigan ni Sarah na nagngangalang Anna Dasig na nililigawan ni Rayver si Cristine mag-on pa sila Rayver at Sarah.

Noong kasagsagan ng balitang napapalapit si Rayver sa sexy actress na si  Cristine ay denie to death ang aktor kay Cristine ang tungkol sa binata at kay Sarah. Bagay na labis na ikinasakit ng loob ni Sarah.

Sa report sinabi ni Sarah kay Joan Maglipon, editor in chief ng naturang magazine na, “Ang pagkakamali ko po, akala ko kaya akong ipaglaban no’ng taong ipinaglalaban ko po. Sobra ko pong minahal kahit hindi kami nagkakasama… Nakita naman po nina mommy iyon. ‘Yong mga diskusyunan po namin, talagang ipinaglaban ko siya. Nanaginip po ako na sumisigaw na lang ako, umiiyak ako, kasi hanggang sa panaginip ipinaglalaban ko siya… kaya sobrang masakit po.”

Base rin sa report, si Judy Ann Santos, isa sa mga close friend ng singer ang nagpatunay na labis na nasaktan si Sarah sa nasabing isyu.

Sinabi ni Juday na: “She was hurt, very hurt. Niyakap ko siya at umiyak lang siya. Alam ko naman na ‘yong moment na ‘yon, ‘yon lang ang kailangan. Someone to comfort her.”

Sa naturang report din sinabi ni Rayver na kailangan niyang mag-move on dahil hindi na niya “mahihinatay” pa si Sarah. Sinabi rin aktor na talagang minaahal niya ang magaling na singer-actress.

Ayon naman sa mga magulang ni Sarah,  labis nilang ikinbahala ang pinagdaanan ni Sarah noong panahon na iyon. At maging sila ay labis na nasaktan sa nangyari dahil ipinaglaban nga ni Sarah sa kanila si Rayver.  Anila naapektuhan ng labis si Sarah.

Sa naturang report pa rin, ibinahagi ni Mommy Divine ang isang panalangin na naglalaman ng:  “Bakit ganito? Bakit ito po bang taong ito ang sisira sa ibinigay mo, na itinakda mo para sa amin? Bakit ganito ang naging bunga? Bakit, ito bang taong ito ang sisira ng pangarap ng anak ko? Ng pangarap namin? Ng pagkatao ng anak ko? Huwag naman.” Gwenn Salamida/Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply