Sariling pamilya kinatay ni Itay, 5 patay

LIMANG miyembro ng kanyang pamilya ang walang awang pinagtataga hanggang sa mamatay ng mismong padre de pamilya sa loob ng kanilang tahanan sa bayan ng Kapalaong, Davao Del Norte sa ulat ng pulsiya.

Ayon sa report na natangap ni PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz naganap ang pagpatay sa limang biktima bandang alas-4 ng hapon ngayong araw ng Martes, sa Purok 12, Barangay Sampao, sa bayan ng Kapalong .

Kinilala ang mga biktima na sina Flormina Realo, 30 anyos, live-in partner ng suspek, Denden Realo, 2 taong gulang, anak; Rossana Realo, 12-anyos, step-daughter; Chot-chot Masayang 5-taon at Mariz Masayang 2-taon, mga pamangkin ng suspek.

Agad namang  nadakip ng Davao PNP ang suspek na kinilalang si Digne Salvador Y Masayang at kasalukuyang nakakulong ngayon sa Kapalong Municipal Police station.

Kasalukuyang pang inaalam ang motibo ng suspek sa pagmasaker sa kanyang pamilya.

Sa inisyal na pagsisiyat ay hinihinalang lasing ang suspek na nagkaroon diumano ng pakikipagtalo sa kanyang live-in partner at  biglang parang nawala sa katinuan na kumuha ng itak at pinagtataga ang mga biktima. Verlin Ruiz

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply