Sariling witness protection program ng Senado iginiit

DAPAT na magkaroon ng sariling witness protection program ang senado.

Ito ang naging panawagan ni Senate minority leader Alan Peter Cayetano dulot na rin ng mga panawagan ng ilang mga tumetestigo na inilalagay nila sa kapahamakan ang kanilang buhay para maipabatid ang mga anomalyang nagaganap sa pamahalaan subali’t hindi naman sila nabibigyan ng proteksyon para sa kanilang buhay.

Iginiit ni Cayetano na para makuha ang kooperasyon ng taumbayan para sa sinasabing matuwid na landas na siyang sinasabi ng Aquino administration, dapat  pangalagaan ang seguridad ng mga whistleblowers at mga tumetestigo sa senado.

“Marami sa witnesses ang kailangan lang naman nila eh security at sasakyan, yung board and lodging napakadali naman gawin nun..through mga safehouse,” ani Cayetano.

Sinabi pa ng senador na maaaring palakasin ng sergeant at arms ang kanilang tanggapan para maayos na magampanan ang seguridad ng mga testigong isasailalim sa kanilang proteksyon.

“Remember, hindi naman panghabambuhay ang proteksyon na yan dahil pwede yang magkaroon ng ugnayan with department of justice later,” ani Cayetano.

Sinabi pa nito, wala siyang nakikitang magiging problema dahil mataas ang kredibilidad ng Pangulong Noynoy Aquino at ng DOJ dahil hindi naisaalang-alang na ang mga makakabangga ng isang testigo ay nasa loob din ng pamahalaan.

Binigyang diin ni Cayetano na hindi katulad ng Arroyo administration, hindi pinapayagan ang mga nasa military na tumestigo.

Ang hindi pakikialam ng Malakanyang sa mga nagaganap na imbestigasyon partikular sa nabunyag na korapsyon sa military, naniniwala si Cayetano na nais talaga ng Aquino administration ng transparency at accountability.

Subali’t mas maniniwala ang senador kung bubuo ang pamahalaan ng anti-graft and corruption council o  good governance commission at mabigyang prayoridad ang freedom of information act. Vicky Cervales

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply