NBI commemorative plates kukumpiskahin na

INIUTOS na ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa traffic enforcers na hulihin ang mga tsuper na nagmamaneho ng mga sasakyan na ilegal na gumagamit ng NBI plates, kapalit ng regular na plaka sa harapan o likuran ng kanilang sasakyan.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager for Operations Atty. Emerson Carlos, mismong si National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula ay nagpahayag na ng pagka-irita sa paggamit sa kanilang ahensiya ng ilang pribadong indibidwal upang makapagpasikat at makalibre sa huli sa pamamagitan ng pagkakabit ng NBI plates sa sasakyan.

Binigyang diin ni Atty. Carlos na walang ilegal sa paggamit ng commemorative plates ng mga motorista, subalit dapat ay nakalagay ito katabi ng regular na plaka ng sasakyan at hindi sa mismong lagayan ng plate number.

Malinaw aniya sa resolusyon na nagpapahintulot sa paggamit ng commemorative plates na hindi ito pamalit sa regular na plaka ng sasakyan tulad ng ginagawa ng maraming motorista

Lumalabas na isang katerba na ang mga pribadong sasakyan na gumagamit ng NBI commemorative plates nang walang kaukulang pahintulot sa kanilang ahensiya.

Sinabi ni Atty. Carlos na isa sa mga nadakip ng kanilang traffic enforcer ang nagbulgar na binili nila sa isang car shop sa Batangas city ang commemorative plate sa pag-asang malilibre sila sa huli kahit magbiyahe sa Metro Manila sa araw na sakop ng number coding. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply