SCUAA Games sumipa sa Isabela

PORMAL nang binuksan Martes, Pebrero 22, ang 2011 SCUAA National Olympics sa Melanio Sports Complex sa Ilagan, Isabela.

Tampok sa events ang 5,000 athletes at officials na lalahok sa 14 sporting events.

Sa kabuuan, 109 state universities at colleges sa 16 regions sa buong bansa ang sumasabak sa isang linggong kompetisyon na inoorganisa ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC).

Habang isinusulat ito, naglalaban na ang mga atleta sa athletics, badminton, baseball, basketball, chess, dancesports, football, lawn tennis, sepak takraw, softball, swimming, taekwondo, table tennis at volleyball.

Samantala, inilunsad na rin ang “Search for Miss SCUAA 2011″ para makuha ang magiging kinatawan ng bansa sa Miss University World sa Seoul, South Korea.

Ang mga tatanghaling kampeon sa iba’t ibang events ay posibleng maisama sa national team o national elite athletes na isasabak sa mga pandaigdigang torneo. GP

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply