Seaman, dalawa pa minasaker sa Cavite

KAMATAYAN ang sumalubong sa ikakasal sanang seaman matapos burdahan ng saksak, kasama ang kanyang girlfriend at isa pa sa karumal-dumal na masaker sa Brgy. Binakayan, Kawit, Cavite, iniulat Miyerkules, Pebrero 2.

Sa report ni Cavite Provincial Police Office (PPO) Sr. Supt. Danilo Maligalig, kinilala ang mga biktima na sina Edgar Zerida, seaman, nobya na si Cristy Saromo, 36 at pinsan ng babae na si Dennis Panganiban, 20.

Sinabi ni Maligalig na nadiskubre ang bangkay ng mga biktima Miyerkules ng 8:45 ng umaga sa loob ng kanilang tahanan sa Bautista Compound, Brgy. Tramo, Binakayan.

Ang mga biktima ay tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nakagapos ang mga kamay at pinuluputan ng packaging tape ang bahagi ng mata, ulo at mukha.

Pinaniniwalaan naman na ang mga biktima ay apat hanggang limang araw nang patay matapos noong Sabado Enero 29 ay hindi nakadalo ang babae sa paanyaya para sa isang salu-salo ng kanilang mga kaibigan kaugnay ng nalalapit nilang pagpapakasal.

Sinasabing ang biktimang seaman ay umuwi lamang sa Pilipinas para magpakasal sa kasintahang si Saromo nang mangyari ang insidente.

Nadiskubre rin na nawawala ang mga alahas, salapi at iba pang mga kagamitan partikular na ang mga pasalubong ng naturang seaman ay tinangay din ng hindi pa nakilalang mga kawatan.

Iniimbestigahan na ng awtoridad ang motibo sa krimen. Verlin Ruiz

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply