De Lima itinangging lover si Mancao

UMALMA si Justice Secretary Leila de Lima sa ikinakalat na balita na “kabit” umano siya ni dating Police Colonel Cesar Mancao.

Sinabi ni de Lima na pawang ‘demolition job’ lamang ang akusasyon ng isang babae na nag-uugnay sa kanya kay Mancao.

Sa panayam kay de Lima, sinabi nito na posibleng mayroong taong nasa likod ng paninira sa kanya kayat lumutang ang isang Teresa Irene Abas at naghain ng reklamo kay Mancao na pangunahing testigo nila sa Dacer-Corbito double murder case.

Si Abas ay nagsampa ng kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children Act laban kay Mancao.

Subalit hindi naman tinukoy ni Abas ang pangalan ng babae na umano’y iniwan ni Mancao dahil sa ibang babae.

Hindi naman umano direktang pinangalanan ni Abas si De Lima subalit sa tingin umano ng iba ay ang kalihim ang tinutukoy nitong ibang babae.

Malaki ang paniniwala ni De Lima na maaring ito na ang simula ng demolition job laban sa kanya kayat nagbigay ng babala ang kalihim sa mga naninira sa kanya.

“Ito lang masasabi ko sa kanila, wag nila akong susubukan kasi ginagawa ko lang ang trabaho ko.  This is just a thankless job na andaming mong sacrifices and then with all of these challenges babatuhin ka ng ganyan ka-foul. It’s rubbish!”  ang galit na pagtatapos ni de Lima. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply