Second batch ng OFWs mula Jeddah nakabalik na

NAKABALIK na sa bansa ang ikalawang batch o 54 na overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Jeddah, Saudi Arabia nitong Martes ng gabi.

Kabilang sa kanila ay 16 na mga bata at 38 kababaihan.

Karamihan sa kanila ay nagsabing napilitan silang umuwi ng Pilipinas dahil sa pagmamaltrato ng mga amo at iba’t ibang problema ukol sa kanilang pinagtatrabahuhan.

Samantala, pansamantalang nasa pangangalaga ng Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) ang mga OFW habang inaasikaso ang pamasahe nila pabalik sa kanilang probinsya. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply